You are viewing [info]paker_peppie's journal

paker_peppie
paker_peppie
:::::.::::.:

June 2006
        1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30

  Viewing 0 - 2  

ang sakit ng katawan ko.. panalo! hehe

galing kami ng pampanga kahapon para mamiyesta kina spike.. 9 lang kaming pumunta.. ardy pot seth wot lala gelo tet spike at ako.. as usual masarap ang pagkain pero natatakot ako dahil feel ko hahigh bloodin ako dahil sa dami ng kinain ko.. di bale.. may gulay naman e..

pinaniwala tayo ng ating mga magulang na gulay ang sagot sa lahat ng sakit.. ang talbos ng kamote ay para sa low blood.. ang ampalaya para hindi magka diabetes.. ang bawang para bumaba ang cholesterol.. sa bagay, sabi nga ni mam famorca, totoo naman daw talaga na maraming halamang gamot ang nakakagamot ng mga sakit sa katawan.. anjan ang erba buena, bawang, ampalaya, bayabas, niyug niyugan, tsaang gubat, ulasimang bato, sambong, lagundi, at akapulko.. hehe.. nag research pa ko masulat ko lang yan.. kung gusto nyo pa ng pics e sabihin nyo lang.. madali naman magupload.. hehe..

namimiss ko na mag aral.. yung mapressure dahil may quiz.. yung tipong mawiwindang ka tulad ng pagkawindang na nararamdaman ng lahat ng nursing students pag magpapaquiz si sir maramba tungkol sa etar o pol sci.. or kaya naman ang pagkawindang pag magbibigay ng prelims si sir hibek na kailangan natin isulat ang title, author, pati na rin ang bansang pinanggalingan nito.. isama pa natin ang panonood ng mga pelikulang tulad ng troy (na kasalukuyang palabas ngayon sa hbo) na kailangan tandaan kung sino ang nagsabi ng linya na tinatanong sa exam.. at wag natin kalimutan na kailangan din natin malaman kung sino ang mga characters sa pelikula pati na rin ang pangalan nila sa tunay na buhay.. grabe nakakamiss.. mas kinakabahan pa tayo sa mga quiz ng mga minor subjects natin kesa sa mga major.. pag major subjects kasi basta naintindihan mo madali ng sagutan..

balik aral ulit kami sa aug ata or sept para magreview.. gusto ko mag trabaho habang hindi pa oras ng review.. wala kasi akong ginawa kundi tumambay sa bahay at lumabas pag may pera.. mabigat gumastos lalo na pag wala ka ng baon.. mahirap naman humingi dahil hindi na nga tayo nag aaral nagsisilbi pa rin tayong pabigat para sa mga magulang natin.. sana sana sana makahanap ako ng trabaho..

pinatulan ko na ang smallville.. alam ko mahirap tanggapin pero nagawa ko na.. at in fairness, hindi naman sya pangit.. ok naman.. may storya.. ang gwapo ni lex luthor na ginagampanan ng sorority boy na si michael rosenbaum..

pwede na.. pwede na.. hindi sya one tree hill o kaya naman house pero pwede na..

hindi ko talaga hilig ang mga bida.. usually ang mga gusto ko sa mga pinapanood ko yung kontrabida o kaya naman yung taong pinakaastig o basta may evil side.. sabi nga ni ardy walang kulay ang buhay pag walang kontrabida.. tama naman sya.. kaya nga minsan masarap talaga maging kontra sa lahat ng sinasabi ng mga tao.. kahit para lang mang asar..

mejo hyperactive na naman ata yung utak ko kaya kelangan ko na makahanap ng ibang pagtutuunan ng pansin.. kung hindi hindi na ko titigil sa pagdaldal dito.. magdodownload pa nga rin pala ko ng kung ano ano..

Current Mood: cheerfulhyperactive!
Current Music: You'll Be In My Heart - Usher

since nainvade na ni kuya ang friendster blog ko, ang lj na lang ang natitirang sanctuary ko...

nagtitingin ako ng friendster ng kung sino sinong tao... kaka-log out ko nga lang ngyon e... at natawa na lang ako dahil bago ko gawing "kaka-log out" ang sinulat ko, nabasa ko sya as "kakalog"... di ba nakakatawa? hehe...

anyway, scan scan lang ako ng friendster at napuntahan ko ang friendster ng dati kong crush... sya yung nakakaturn off na ngayon dahil mukang lasenggo at tambay lang sa kanto kahit naging teacher pa sya at sa la salle grumaduate... hai... ang buhay nga naman... parang kelan lang e mukang ang bango bango nya... ngayon yung ichura nya e parang taong naligo sa suka at gumulong sa loam soil... kung ngayon ko sya siguro unang nakita, hinding hindi ko sya pagtutuunan ng pansin... ikaw ba gusto mo mamansin ng taong mukang bagong ahon sa kanal? syempre hindi diba... so ayun nga... hindi yun ang pinunta ko sa livejournal para isulat...

sa isa sa mga pics nya sa friendster, may isa dun na kasama nya ang lab op my layp na si babsy... hindi ko rin sasabihin ang tunay nyang pangalan dahil mahirap ng may makabasang iba diba... at nangyari ang hindi ko inaasahan... ang buong pagaakala ko ay over na ko sa kanya... yun pala hindi pa din... syet... alam ko naman kasing walang mangyayare kung papansinin ko pa ang nararamdaman ko para sa kanya... ni hindi na nga kami nagkikita sa personal... isa lamang akong babaeng nangsostalk ng friendster account nya para malaman kung "in a relationship" na ba sya o kung anuman... bigla na lang nagflashback ang mga naganap... ang pagtatagpo namin ng babae nya sa iisang sasakyan... at syempre... alam ko namang wala akong karapatang masaktan noon at kahit naman ngayon... pero mapipigil mo ba yun? hindi naman diba? masakit... masakit talaga... dahil alam ko namang friendster lang ang connection naming dalawa...

hindi ko alam kung ano bang gusto ko mangyare... alam ko pala... syempre gusto ko mapasakin sya diba... naman! hindi naman sya kagwapuhan... payat, moreno, at may pagkabanlag pa nga... super hairy pa ng legs... napakaloser ng dating pero para sakin hindi...

pucha... kaisa isang lalaking pinakamamahal ko ni hindi ko man lang nakakausap... it sucks! mejo ambivalent nga ako e... natatawang naiiyak... kasi naman... bakit ko pa ba kasi naisipang tingnan ang friendster nila...

hopefully, makalimutan ko na lang sya ulit... nagawa na noon, madali na gawin ulit ngayon...

Current Mood: disappointed*sob*
  Viewing 0 - 2